Unang berso


Unang berso ng unang tula sa unang koleksyon sinusubukang sulatin.

Bahala na muna sa kung may sukat ba o may tugma.

Susulatin ko ang gusto ko.

Advertisements

Sugal

Ipinamigay mo ako sa buong mundo.

Samantalang, ikaw ay lumilikha

Ng sarili mong araw at gabi.

Kung saan maaring ikaw ay di kaylangan maging isang ama, o asawa, o kapatid, o kaibigan

Kundi ang lahat ng gusto mong maging:

Historyador, mang-aawit sa koro,

Manlalakbay, tagapagsagot ng palaisipan sa mga dyaryo.

Nalulong ka sa kalungkutan

sa mga nabigong pangarap.

Nagpakalango sa usok

Ng mga panandaliang ligaya,

Sana sa amin ka na lang tumaya, Ama.

Ipinamigay mo ako sa buong mundo.

Nakikipaglaro sa mga batang ipamigay din

ng mga kani-kanilang nanay at tatay.

Kaylangang manalo sa larong ito,

sa buhay na ito, na di mo naipanalo.

Kahit pa gusto kong lumipad

at mabaliw sa aking mga pangarap,

Kahit pa gusto kong magmahal

at ang lahat ay kalimutan.

Ngunit

Kaylangan kong maging ikaw.

Untitled

Sinasabotahe ng Lunes ang lahat.

Mahuhuli ka sa trabaho dahil mahaba ang pila sa MRT.

Matutusta ang balat habang nagmamapa ang pawis sa suot na polo.

Pagdating sa opisina, pagagalitan ng boss. Di ka na lang sasagot.

Baka maalala pa ang lahat ng deadlines mo. 

Ngunit kahit walang imik, naalala pa rin niya at sermon ang almusal mo.

Anvil Publishing Sale until December 10 ’16

Anvil sale ongoing. And yes my friends, Philippine literature is not all about Precious Hearts (no offense meant, nagbasa rin ako niyan at one point in my life 😀). I’m a proud fan of Philippine Literature. Don’t mock something you know nothing about. Kung gusto mo mag-comment, mag-research ka muna. Thank you. 😀Anyway, enough of the ranting. If you’re interested, you can visit them at #25 Brixton St. Kapitolyo, Pasig. From MRT Boni, ride a trike and tell the driver to bring you to Mcdo (alam niya na ‘yan). Then from there you’ll ride another trike which you can provide Anvil’s address mentioned above. 

Happy book shopping guys!

How I Fail and Feel Things

This was really supposed to be a blog about books and the literary pieces I create. But apparently, what I really just managed to create is shit. Far from literary. And to be honest, I have trouble finishing reading books nowadays. It just was not like before. It is hard when I cannot write about anything. I cannot write because I always think that no one will read them anyway. But why write for anyone? I cannot write because, now, I am aware of the rules. I studied poetry for more than a year back in 2012-2013. And one thing’s for sure, I suck at writing. I get all the concepts but none of my teacher thinks I learned any of it. I am not just good at executing the lessons, maybe. 

When I was younger, I would write because I feel like doing so. I used to write poems to my first love. But that did not work out too. He never read it. It does not really matter anymore. Like what I write will never matter to anyone. 

After 2 years, now, I cannot write a fucking thing. They’re really all just confessions. Of how I fail and feel things. Sulking in the depths of suppressed emotions I am not willing to give up.

I do no write anything anymore. But then, I am thinking, who is to judge how someone is supposed to express her feelings? Who is to know if an experience is interesting enough to be put into writing? When I try to find answers, it ends with me realizing and admitting it: I am just bitter.

I do not read anything anymore. I cannot seem to focus. I don’t know where my old self went. I feel like I am supposed to be writing whenever I started reading. And so you see this circle goes on and on. I cannot get out. And so, as such maybe, I could start with opening it up.

And accept the fact, I should write regardless if someone’s going to read or not. Accept that no matter what happens, at the end of the day, what’s important is what I think of myself more than anything else.

Well, to be honest I don’t know how to end this venting out. So, yeah, so there.

Mga Anik-anik at Feelings ko sa Pangkat Papaya 

Super cute! 😁
At hayun, naalala ko ang araw na uso at sobrang halaga ng lalabas na resulta sa FLAMES. Kapag Married o Sweehearts ang lumabas, kilig na kilig ka at maniniwala na ito ay isang sign from God. Pero pag Friends or Angry (Acceptance sa ibang variation. Oo, may iba’t ibang variation. HAHAHA) ang lalabas biglang may kakabig inside you at sasabihing hindi naman totoo ang FLAMES. Trip lang. Lelz.
Naalala ko rin noong hayskul, naging presidente ako ng Drama Club (English), na walang gustong sumali kasi Ingles ang script at ang siyempre ang mga ipapalabas. Mahirap daw mag-emote. Oh well. Those were the days.
  

Salarin

Biktima ako ng pabago-bago mong damdamin.

Kung di mo ako kikilalanin,

Huwag mo akong nakawan ng tingin.

Huwag ka nang sumulyap.

Dahil kung ganyan lang, walang magaganap.

Ipinagpapalit mo ako sa kaba.

Ipinagpapalit mo ako sa alinlangan.

Ipinagpapalit mo ako sa takot.

Ipinagpapalit mo ako sa hiya.

Padadaplisan mo ako ng pag-asang

Maaaring may patunguhan

Itong paghahabulan ng ating mga bakasakali.
Samantalang ako’y nakagapos

Sa pag-asang matatapos

Ang lahat ng ito sa pagbihag.
Bihagin mo ako,

Bantayan sa lahat ng oras.

Ayaw kong tumakas,

Kasama’ng pusong muling maghihingalo.

Rio Alma

Rio Alma. Siya ang naiisip ko kapag naririnig ko ang salitang makata, tula, sukat at tugma, LIRA. National Artist. Workshop. Naaalala ko noong fellow ako nagpagupit ako ng buhok dahil sa sobrang lungkot ko noong nakatay ang ‘tula’ ko noong unang beses kaming nag-malayang taludturan. Ngayon, pinagtatawanan ko na lang din yung gawa kong yun. Ang dami kong natutuhan sa kanya, sa LIRA. Di lamang ang mga konsepto at teknik sa pagtula, kundi paggalang at pagmamahal sa sariling kakayahan at sining. Dapat bukas sa kritisismo ng iba. Hindi dapat manipis ang balat.
Kaya heto sumusubok pa rin. Paunti-unti. 

  

Mythology Class

Ipagpapatuloy na muli ang pagbabasa. Ito lamang ang binili kong libro noong Free Comic Day sa Fully Booked. Ang tagal ko nang naghanap ng kopya. Mahilig ako magbasa ng komiks lalo na yung gawang Pinoy. Una, mas madaling intindihin, at ikalawa, mas sinasalamin ng mga ito ang kultura na aking kinalakhan. 

Di lang sa Comics Section ng broadsheets at tabloids nabubuhay ang mga Pinoy komikeros! Sana tangkilikin natin sila para mas marami pang librong tulad nito.
May ilang taon na rin ng huli akong nakapunta ng Komikon. Sana sa darating na Nobyembre ay makadaang muli! Kita kits!