Alimpungat

Lunes na naman at wala sa sarili

Ang bawat katawang tabi-tabi

Dito sa loob ng jeep na nanghehele.

Hindi sapat ang tulog kagabi.

Hindi pinahimbing ng muni-muni:

Paano ako naging bahagi ng nakaraan?

Hindi pa rin nasasanay sa mga biglaan.

Nanaginip lang ba sa lahat ng mga sandali?

Katha lamang ba ng malay

Ang lahat ng mga nangyari?

Buti wala pang nasabi.

Iba lang pala ng intindi.

Maaari pang ihimbing sa pagitan ng mga labi

Ang bawat sandali ng pagbabasakali

Baka nga napagkamali

Ang tunay, sa panaginip.

Sana wala nang matandaan,

Kay hirap maalimpungatan.

Advertisements

BLISS

Bakit kaylangang ikulong

Ang kagandahang umusbong?

Paano’ng samyong pangako
Kung tanaw lang sa malayo?