Alimpungat

Lunes na naman at wala sa sarili

Ang bawat katawang tabi-tabi

Dito sa loob ng jeep na nanghehele.

Hindi sapat ang tulog kagabi.

Hindi pinahimbing ng muni-muni:

Paano ako naging bahagi ng nakaraan?

Hindi pa rin nasasanay sa mga biglaan.

Nanaginip lang ba sa lahat ng mga sandali?

Katha lamang ba ng malay

Ang lahat ng mga nangyari?

Buti wala pang nasabi.

Iba lang pala ng intindi.

Maaari pang ihimbing sa pagitan ng mga labi

Ang bawat sandali ng pagbabasakali

Baka nga napagkamali

Ang tunay, sa panaginip.

Sana wala nang matandaan,

Kay hirap maalimpungatan.

Advertisements

Grocery 

Pagkamulat: kisame.

Alas-sais, Linggo nang umaga.

Malamig ang sapin sa maluwag na kama.

Masyado pang maaga para bumangon.

Ngunit ganoon yata talaga

Kapag ginising ng katawang nagugutom.

Wala na.

Wala nang laman ang refrigerator.

Halos yelo na ang nag-iisang pitsel sa loob.

Napundi na rin pala ang ilaw.

Wala na.

Wala nang tumambad na grocery list.

Ano ba’ng dapat bilhin?

Ano ba’ng mga kaylangan?

Dapat na yatang kasanayan

Mga de-lata, at mga bagay na instant.

2016, you too shall pass

Dito ko na lang ise-share ‘to since I am too ashamed to admit na I failed in a lot of things lately.

Last day of the year. I keep thinking or more of remembering if I’m as sad last year.

Anyway, my thoughts and worries:

– Going back to my stressful new job. I wanted to quit just 1 month into it pa lang. I’m not like this. I’m questioning myself lately, have I become a quitter? Am I not as strong as I think am?

– I’m losing my best friend. It will be one of the best adventures of his life. I’m happy he achieved his dream. But why does he have to stay away? He’s been one of the few good and consistent things in my life. Then now, napapaisip ako: Do I have feelings for him? Or maybe I just hate the feeling of being left behind. But who doesn’t right?

– Lastly, I don’t know what to do with my life. I’m not good at anything. No one needs me. Well, never mind. This too shall pass.

HELP ME GOD. I don’t know what to do. 😢🙏🏻

Sugal

Ipinamigay mo ako sa buong mundo.

Samantalang, ikaw ay lumilikha

Ng sarili mong araw at gabi.

Kung saan maaring ikaw ay di kaylangan maging isang ama, o asawa, o kapatid, o kaibigan

Kundi ang lahat ng gusto mong maging:

Historyador, mang-aawit sa koro,

Manlalakbay, tagapagsagot ng palaisipan sa mga dyaryo.

Nalulong ka sa kalungkutan

sa mga nabigong pangarap.

Nagpakalango sa usok

Ng mga panandaliang ligaya,

Sana sa amin ka na lang tumaya, Ama.

Ipinamigay mo ako sa buong mundo.

Nakikipaglaro sa mga batang ipamigay din

ng mga kani-kanilang nanay at tatay.

Kaylangang manalo sa larong ito,

sa buhay na ito, na di mo naipanalo.

Kahit pa gusto kong lumipad

at mabaliw sa aking mga pangarap,

Kahit pa gusto kong magmahal

at ang lahat ay kalimutan.

Ngunit

Kaylangan kong maging ikaw.

Anvil Publishing Sale until December 10 ’16

Anvil sale ongoing. And yes my friends, Philippine literature is not all about Precious Hearts (no offense meant, nagbasa rin ako niyan at one point in my life 😀). I’m a proud fan of Philippine Literature. Don’t mock something you know nothing about. Kung gusto mo mag-comment, mag-research ka muna. Thank you. 😀Anyway, enough of the ranting. If you’re interested, you can visit them at #25 Brixton St. Kapitolyo, Pasig. From MRT Boni, ride a trike and tell the driver to bring you to Mcdo (alam niya na ‘yan). Then from there you’ll ride another trike which you can provide Anvil’s address mentioned above. 

Happy book shopping guys!

Mga Anik-anik at Feelings ko sa Pangkat Papaya 

Super cute! 😁
At hayun, naalala ko ang araw na uso at sobrang halaga ng lalabas na resulta sa FLAMES. Kapag Married o Sweehearts ang lumabas, kilig na kilig ka at maniniwala na ito ay isang sign from God. Pero pag Friends or Angry (Acceptance sa ibang variation. Oo, may iba’t ibang variation. HAHAHA) ang lalabas biglang may kakabig inside you at sasabihing hindi naman totoo ang FLAMES. Trip lang. Lelz.
Naalala ko rin noong hayskul, naging presidente ako ng Drama Club (English), na walang gustong sumali kasi Ingles ang script at ang siyempre ang mga ipapalabas. Mahirap daw mag-emote. Oh well. Those were the days.