Alimpungat

Lunes na naman at wala sa sarili

Ang bawat katawang tabi-tabi

Dito sa loob ng jeep na nanghehele.

Hindi sapat ang tulog kagabi.

Hindi pinahimbing ng muni-muni:

Paano ako naging bahagi ng nakaraan?

Hindi pa rin nasasanay sa mga biglaan.

Nanaginip lang ba sa lahat ng mga sandali?

Katha lamang ba ng malay

Ang lahat ng mga nangyari?

Buti wala pang nasabi.

Iba lang pala ng intindi.

Maaari pang ihimbing sa pagitan ng mga labi

Ang bawat sandali ng pagbabasakali

Baka nga napagkamali

Ang tunay, sa panaginip.

Sana wala nang matandaan,

Kay hirap maalimpungatan.

Advertisements

Grocery 

Pagkamulat: kisame.

Alas-sais, Linggo nang umaga.

Malamig ang sapin sa maluwag na kama.

Masyado pang maaga para bumangon.

Ngunit ganoon yata talaga

Kapag ginising ng katawang nagugutom.

Wala na.

Wala nang laman ang refrigerator.

Halos yelo na ang nag-iisang pitsel sa loob.

Napundi na rin pala ang ilaw.

Wala na.

Wala nang tumambad na grocery list.

Ano ba’ng dapat bilhin?

Ano ba’ng mga kaylangan?

Dapat na yatang kasanayan

Mga de-lata, at mga bagay na instant.

(c)

Malamig sa paa ang buhangin kung umaga.
Tahimik ang dalampasigan
Maliban sa banayad na pagparoo’t parito ng mga alon.
Katulad ng maraming umaga ay maaalala ka.

Karagatan ang ating pagitan.
Sinong nasa dulo, sinong nasa simula?

Nasa tabing dagat ka rin ba diyan sa kabila?

May kapanatagan sa mga alon.

Unang Araw

Sobrang natatakot ako. Hindi ko alam kung anong mangyayari sa mga susunod na araw. Ako ay nang-iwan at iniwanan. Maliban sa takot ay pagkalito at lungkot ang iba pang bumabalot sa akin. Ang mga nakasanayan ay isa-isang naglalaho. Akala nilang lahat kaya ko nang ako lang mag-isa. Paano kung sa pagbalik ng kaibigang lumisan ay hindi na niya ako madatnan? 

To my Favorite Guy

I don’t know what to feel right now.

It is not like I can’t live with the thought of you being away.

I’m used to being alone than you are.

I’m most of the time alone anyway.

But you are one of the few good and consistent things in my life.

Especially now.

I’m going to miss you.

I hope I’m still me when you come back.

I’m happy you’re chasing your dreams.

This is getting too cheesy.

And we hate cheesy.

I don’t want to say I’ll wait, but I will until I can.