Bakit Lagi Lang Nakaupo si Apolinario Mabini?

Well-written stories matched with excellent art!
Ganito dapat ang inuunang ipabasa sa mga bata nang di lumalaking di kilala ang sariling bayani, ang sariling kultura. 
 

Advertisements

Mga Anik-anik at Feelings ko sa Pangkat Papaya 

Super cute! 😁
At hayun, naalala ko ang araw na uso at sobrang halaga ng lalabas na resulta sa FLAMES. Kapag Married o Sweehearts ang lumabas, kilig na kilig ka at maniniwala na ito ay isang sign from God. Pero pag Friends or Angry (Acceptance sa ibang variation. Oo, may iba’t ibang variation. HAHAHA) ang lalabas biglang may kakabig inside you at sasabihing hindi naman totoo ang FLAMES. Trip lang. Lelz.
Naalala ko rin noong hayskul, naging presidente ako ng Drama Club (English), na walang gustong sumali kasi Ingles ang script at ang siyempre ang mga ipapalabas. Mahirap daw mag-emote. Oh well. Those were the days.
  

Salarin

Biktima ako ng pabago-bago mong damdamin.

Kung di mo ako kikilalanin,

Huwag mo akong nakawan ng tingin.

Huwag ka nang sumulyap.

Dahil kung ganyan lang, walang magaganap.

Ipinagpapalit mo ako sa kaba.

Ipinagpapalit mo ako sa alinlangan.

Ipinagpapalit mo ako sa takot.

Ipinagpapalit mo ako sa hiya.

Padadaplisan mo ako ng pag-asang

Maaaring may patunguhan

Itong paghahabulan ng ating mga bakasakali.
Samantalang ako’y nakagapos

Sa pag-asang matatapos

Ang lahat ng ito sa pagbihag.
Bihagin mo ako,

Bantayan sa lahat ng oras.

Ayaw kong tumakas,

Kasama’ng pusong muling maghihingalo.